What's on TV

WATCH: Jo Berry, hindi pa rin sanay sa buhay-artista

By Jansen Ramos
Published August 6, 2018 11:28 AM PHT
Updated August 6, 2018 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Raffy Tulfo expresses concern over NAIA Terminal 1 ceiling collapse
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Jo Berry na isa na siyang ganap na artista.

Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Jo Berry na isa na siyang ganap na artista.

Una siyang napanood sa weekly drama anthology na Magpakailanman noong 2016 para sa episode na pinamagatang "My Little Wife," pero naging mas abala pa rin siya sa pagtatrabaho sa isang BPO company.

Ngayong full-time na siya sa showbiz, kaliwa't kanan ang kanyang mga showbiz commitments at tapings para sa drama series na Onanay.

Biro pa ni Jo, hindi pa rin daw siya sanay sa pag-me-makeup. Aminado rin siya na hindi niya maiwasang ma-starstruck sa mga Kapuso stars at personalities na kanyang nakakasama at nakakasalubong.

Kabilang sa mga iniidolo ni Jo sa industriya ay si Superstar Nora Aunor na gumaganap na ina niya sa Onanay.

"Si Nanay Nora po para talaga siyang nanay sa'kin. Sobrang bait po, hindi niya rin po pinapa-feel sa'kin na Superstar siya. Tapos, anak ang tawag niya sa'kin at anak ang turing niya sa'kin." paglalarawan ni Jo sa beteranang aktres.

Sa exclusive viewing naman ng pilot episode ng serye, naki-bonding ang mga stars nito na sina Mikee Quintos, Kate Valdez and Enrico Cuenca sa mga piling bloggers at ilang miyembro ng Kapuso Brigade. Hanga ang lahat sa pag-arte ni Jo na hindi nagpapahuli sa mga batuhan ng linya nila ni Primera Kontrabida Cherie Gil.

Ani Kate, "Na-impress ako dahil kaya niyang makipagsabayan."

Sinang-ayunan din ito ni Mikee: "It's also a talent 'yung taking. As in receiving the emotion na binabato ng ka-eksena mo. In all fairness, ang galing ni Jo Berry."

Tunghayan ang pagganap ni Jo bilang Onay sa Onanay simula ngayong gabi pagkatapos ng Victor Magtanggol.

Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:

Video from GMA News