
Nagtrabaho bilang social media managers ng Eat Bulaga sina Joey de Leon at Ryzza Mae Dizon bilang bahagi ng 40th anniversary celebration ng longest-running noontime variety show.
Bilang managers ng social media accounts ng Eat Bulaga, ilan sa mga naging responsibildad ng dalawang dabarkads ay ang pag-set up ng YouTube livestream para sa Team Abroad, pag-brief sa DJJs tungkol sa love problem of the day, pag-update at pag-check ng Instagram, pakikipag-coordinate sa mga writers para sa Team Bahay promo, pagkuha ng pictures at videos bilang pagdokumento ng show, pag-edit ng mga ito para sa Instagram, Facebook at YouTube accounts ng programa, at pagsagot sa e-mail.
Kinaya kaya nina Joey at Ryzza ang pang-millenial na challenge na ito? Panoorin:
Video from Eat Bulaga's YouTube channel