What's Hot

WATCH: Joey de Leon, wala ng planong magbida sa pelikula?

By Jansen Ramos
Published November 10, 2017 3:06 PM PHT
Updated November 10, 2017 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Pabor ba si Joey de Leon na ibigay ang lead role ng 'Barbie D' Wonder Beki' kay Paolo Ballesteros?

Sa press conference ng pelikulang Barbi D' Wonder Beki, inilahad ng Dabarkad na si Joey de Leon na kay Paolo Ballesteros talaga dapat ibigay ang papel na "Barbi."

Si Joey ang orihinal na Barbi ng pelikulang Pilipino. Aniya, "Kumpara roon sa Barbi ko e, mas maganda talaga siya".

Gagampanan niya ang karakter ni Bartolome, ang tumulong kay Barbi upang mag-disguise para matakasan ang mga humahabol sa kanya. Makakasama rin nina Joey at Paolo sa pelikula ang BiGuel.

Ayon sa komedyante, wala na raw siyang planong magbida sa pelikula kahit napakarami pa ring alok sa kanya. "Medyo nagpapahinga na ko e, napapagod ka na rin e. Tsaka parang masarap magbiyahe. Pero nagsusulat pa rin ako, okay na sa 'kin 'yung Eat Bulaga," paliwanag niya.

Masaya rin si Joey para sa Dabarkads niyang si Vic Sotto sa pagiging ama nito ulit matapos magsilang ng malusog na baby girl ang asawa nitong si Pauleen Luna.

Panuorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras: