GMA Logo John Lloyd Cruz and Willie Revillame
What's Hot

WATCH: John Lloyd Cruz, emosyonal na nagpasalamat kay Willie Revillame

Published June 6, 2021 5:30 PM PHT
Updated June 6, 2021 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

John Lloyd Cruz and Willie Revillame


Hindi napigilan maging emosyonal nina John Lloyd Cruz at Willie Revillame nang magkita ang dalawa sa live show ng isang online shopping application. Ano nga ba ang sinabi ni Willie na nakaantig ng dadamdamin ng magaling na aktor?

Sa live show ng isang online shopping application, maraming na-excite na mapanood muli ang pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa telebisyon matapos ang mahigit apat na taon.

Matatandaang nag lie-low sa showbiz ang actor noong 2017, kasabay ng mga usap-usapan tungkol sa relasyon nila noon ni Ellen Adarna.

Nito lamang Mayo, lumikha ng ingay muli si John Lloyd nang mapabalitang pumirma sya ng kontrata sa talent agency ng aktres na si Maja Salvador, ang Crown Artist Management.

A post shared by Crown Artist Management Inc. (@crownartistmgmt)

Kaya di naman nakakagulat na kasama ni John Lloyd ang aktres/manager sa kanyang unang pagsabak muli sa telebisyon.

Pero ano nga bang pakiramdam ng aktor sa kanyang pagbabalik? Tinanong ito ni Wowowin host Willie Revillame sa kanya.

Ayon kay Willie,"Welcome back, handa ka na ba? Anong nararamdaman mo ngayon?"

"Nagpapasalamat sa 'yo, nandito ako, excited to be back...Si Kuya Willie, nandito ako dahil sa yo, thank you, thank you..." ang sagot ni John Lloyd na puno ng emosyon.

Naiintindihan ni Willie ang pakiramdam ng aktor kaya naman naging madamdamin din ang naging tugon ng Kapuso host.

"Pinagdaanan ko rin 'yan, maraming ring taong tumulong sa akin pero ang importante Lloydie, nakausap kita, nagkausap tayong dalawa.

"Napakaganda ng puso mo. Napakaganda ng pagkatao mo. Mahal na mahal mo si Elias, Mahal na mahal mo 'yung anak mo. Nami-miss ka namin lahat!"

Dagdag pa ni Willie, "ang galing mo, fan mo ko, fan mo kaming lahat. Dahil napakabuti mong tao at napakagaling mong artista. Sa totoo lang lahat ng GMA artists gusto kang makasama sa isang pelikula.

"Lloydie, 'yung sumuporta sa 'yo na sambayanang Pilipino, I think sila ang dapat mong pasalamatan kaya ka nandito. Nadidinig ko, nararamdaman ko ang pagmamahal sa 'yo ng tao, Welcome back sa industriya kung saan ka nagsimula, at alam ko dito tayo magtatapos din. Welcome back, John Lloyd Cruz!"


Maugong ang usap-usapan na magkakaroon ng programa si John Lloyd Cruz at Willie Revillame.

Ano pa nga ba ang dapat abangan sa aktor? Manatiling nakatutok sa www..GMAnetwork.com.

Samantala, kilalanin ang iba pang celebrities na iniwan ang buhay-showbiz sa gallery na ito: