GMA Logo
What's Hot

WATCH: John Lloyd Cruz, may mensahe para sa COVID-19 frontliners

By Cherry Sun
Published April 6, 2020 1:37 PM PHT
Updated April 6, 2020 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpaabot ng mensahe si John Lloyd Cruz para sa COVID-19 frontliners nang siya ay mag-giuest sa 'Mamatay Kang Hayup na COVID Ka The Telethon' na sinimulan nina Ramon Bautista at Jun Sabayton.

Nagpaabot ng mensahe si John Lloyd Cruz para sa COVID-19 frontliners nang siya ay mag-guest sa 'Mamatay Kang Hayup na COVID Ka The Telethon' na sinimulan nina Ramon Bautista at Jun Sabayton.

Si John Lloyd ang naging guest sa online fundrasising effort nina Ramon at Jun sa Facebook sa gitna ng banta ng COVID-19.

Kasalukuyang nasa Cebu raw ang aktor at ang nag-aalaga ng kanyang anak. Nagbigay rin siya ng kanyang opinyon tungkol sa nangyayaring enhanced community quarantine.

Nanatili raw siya sa loob ng kanyang bahay at ganoon din ang hinihikayat niyang gawin ng kanilang manonood. Makakatulong din daw na ihanda ang sarili mentally at emotionally sa pamamagitan ng pagtanggap na ito na ang “new normal” ngayon.

Sa parehong interview ay nagpasalamat din siya sa lahat ng frontliners na patuloy na naglilingkod sa kabila ng COVID-19.

Ani John Lloyd, “Nako, maraming salamat sa inyo. Sa lahat ng frontliners, mabuhay kayo. Mabuhay kayo. Kulang, kulang itong efforts ng Furball para pasalamatan ang frontliners natin sa kanilang serbisyo. Maraming salamat sa inyo ganunpaman.”

To all the FRONTLINERS in this battle, thank you for your sacrifice. We appreciate you. ♡ “Sa lahat ng frontliners mabuhay kayo, mabuhay kayo” -Idan #johnlloydcruz

A post shared by Mr. & Mrs. Cruz 🔜 (@beajohnlloydforever) on


Ang 'Mamatay Kang Hayup na COVID Ka The Telethon' ay naglalayong makalikom ng donasyon para sa MBB Diliman Foundation Inc, upang suportahan ang scientists, technicians sa Philippine Genome Center, the Research Institute for Tropical Medicine, the UP National Institute for Health at Lung Center of the Philippines.

RELATED CONTENT:

TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19

LIST: How to help frontliners during enhanced community quarantine

GMA Artist Center stars help raise funds through #HealingHearts, an online donation campaign