What's Hot

WATCH: John Regala, nilinaw na hindi siya na-stroke

By OWEN ALCARAZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2017 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Pero siya raw ang lalaking nasa picture sa kumakalat na viral post sa social media. 
 

Kamakailan ay kumalat ang larawan ng beteranong aktor na si John Regala sa social media. Sa nasabing larawan, nakahandusay ito sa hagdan na tila walang malay.

 

John regala inatake sa savemore sa sapote kanina ..

Posted by Bhadloy Lopez on Thursday, February 16, 2017

 

Ayon sa mga naunang balita, inatake raw sa tapat ng isang grocery store sa Zapote ang aktor.

Nitong Pebrero 19, sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, nagpaunlak na ng interview ang aktor.

"Opo, ako 'yan...Hilong-hilo ako niyan tapos nangatog ang tuhod ko, hindi ko maihakbang," paliwanag ni John.

Pabalik na sana ang aktor sa tinutuluyang hotel nang mawalan siya ng malay.

"Bumaba ako para bumili sa isang convenience store. Sobrang init nung tanghali na 'yon. Pabalik na akong ganon, biglang umikot ang paningin ko. So umupo ako, biglang nag-pass out talaga ako."

Pero nilinaw ng aktor na hindi siya inatake sa puso. "Hindi ako na-stroke, hindi po ako inatake sa puso, malakas po ako."

Ang duda ng aktor, bumaba ang kanyang sugar level dahil sa kanyang diabetes. 

Samantala, nag-alala din ang ina ng aktor, ang dating aktres na si Ruby Regala. "Nung nalaman ko nga iyon, makita ko...ayun sinita ko nga bakit 'di ako tinawagan sana kako dumiretso ako sa'yo mula sa trabaho. e ayaw niya kasi akong nag-aalala."

Ayon pa sa ina ng aktor, kabilang sa iba pang karamdaman ng aktor ay arthritis, gout, at sakit sa puso.

To watch Kapuso Mo, Jessica Soho interview, please click below.

RELATED CONTENT:

John Regala, ibinahagi kung paano tinalikuran ang pagkalulong sa iligal na droga