
Nakabibinging hiyawan ang sumalubong kay John Riel “Quadro Alas” Casimero nang mag-wagi ang boksingero kontra kay Mexican boxer Cesar Ramirez via knockout.
Naglaban ang dalawang boksingero para sa WBO Interim Bantamweight Championship title sa San Andres Sports Complex sa Maynila noong August 24.
Kuwento ni John Riel, “Nung first round parang ako lang 'yung sumusuntok kaya ako 'yung napapagod.
“Kaya sabi ko sa sarili ko, gusto ko sumabay din siya para pareho kami talaga kaming pagod.
“Sumabay siya at 'yun! Nung last round, natamaan ko siya sa upper [cut], malakas na yun at tumalon siya tapos may hook na malakas na rin kaya bagsak na siya.”
Nanood rin si fighting senator Manny Pacquiao na nagsilbing promoter ng laban at naibahagi kay 24 Oras reporter Mav Gonzales na natutuwa siya sa naging resulta.
Panoorin ang knockout moment na 'yan sa video na ito: