
Inamin ng Revilla brothers na sina Bryan, Jolo, at Luigi sa Mars na sa kanilang tatlo, si Jolo raw ang pinaka achiever.
At 30 years old, marami nang nagawa si Jolo gaya ng pagiging youngest Barangay Captain in Cavite and youngest Vice Governor. Ngunit sa dinami-dami ng achievement ni Jolo, ang masasabi niyang greatest achievement ay ang anak niya kay Grace Adriano na si Gab.
Aniya, "Oo naging batang ama man ako noon pero hindi porket sinabing naging batang ama ako noon pinagsisihan ko siya. Kumbaga pinagsisihan ko 'yung dahil naging tatay ako agad pero siya 'yung blessing ko sa buhay."
Panoorin ang kuwentuhan ng Revilla brothers sa Mars below.