
Gamitin sa tamang diskarte ang mga itinuturong tips ni Master Bae Shawn Valentino (Jose Manalo) sa “How To Bae You?” para mapansin ng babaeng iyong natitipuhan ngayong summer.
Simple lang ang mga tips ni Master Bae: focus, compliment at sense of humor.
“Kailangan naka-focus ka [at] huwag mo muna siyang lalapitan basta-basta lang. Bantayan mo lang, matiyagan mo lang muna siya kahit nasa malayo ka tapos lahat ng detalye na maoobserbahan mo sa kanya habang kinakausap mo, kailangan masabi mo iyan,” saad ni Shawn patungkol sa kanyang Master Bae Tip #1.
Ang susunod na tip ay dapat i-compliment ng lalaki ang babae, “Gustong-gusto kasi ng mga babae na pinapansin mo ‘yung mga bagay na sa tingin mo ay maganda para sa kanya. Gusto ng mga girls na nararamdaman na espesyal sila.”
Ang huling tip ni Master Bae ay “funny is the new sexy.” Aniya, “Number one iyan. ‘Yung funny, ibang klase ‘to.”
Gamitin lang sa wasto ang tips ni Master Bae upang makakuha ng pogi points.