Celebrity Life

WATCH: Joyce Ching, nagbigay ng update sa kanyang kasal kay Kevin Alimon

By Maine Aquino
Published May 28, 2019 7:44 PM PHT
Updated May 28, 2019 7:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider shot dead in Taguig ambush; 2 friends nabbed
5 cops relieved over robbery probe in Porac
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Sa isang YouTube vlog, ibinihagi nina Joyce Ching at Kevin Alimon ang kanilang wedding preparations.

Sa vlog ni Joyce Ching ay ibinahagi niya kung paano siya magplano ng kanyang kasal kasama ang kanyang fiance na si Kevin Alimon.

Joyce Ching
Joyce Ching


Sa latest video ni Joyce sa kanyang channel ay ipinakita nila ni Kevin kung paano nila pinaghahandaan ang kanilang kasal. Sila ay pumunta sa isang wedding fair para silipin kung ano ang puwede nilang magamit sa wedding.

WATCH: Joyce Ching's first vlog on her YouTube channel

Very hands-on rin ang couple sa kanilang kasal. Lahat ng detalye ay sila mismo ang nag-iisip.

Kuwento ni Joyce, kanilang naplano na ang iba't-ibang aspeto ng kanilang kasal.

Aniya, "Ang napagdesisyunan namin ay ang color, theme, mga guests."

Dagdag pa ni Joyce ay hindi naman naka-stress magplano ng kasal.

"Hindi siya stressful, nakakapagod lang kasi kailangan mo lang talagang mag-isip."

Panoorin ang kanilang journey sa kanilang big day sa latest vlog ni Joyce.