
Nananatiling magkabigan at magkatrabaho ang ex-lovers at kapwa radio DJs na sina Joyce Pring at Sam YG.
Sa isang espesyal na feature ng programang Reel Time, sinagot nina Joyce at Sam ang mga tanong ng isa't isa.
Aminado si Sam na sa kanya ang naging pagkukulang kaya natapos ang kanilang relasyon.
Ayon naman kay Joyce, napatawad na niya ang dating nobyo at mas iniisip ang masayang mga pinasamahan nila.
Itinanong naman ni Joyce kay Sam, "What would you warn my next boyfriend about me?"
"Naku! Mag-ready ka kasi maraming energy 'yan. Kaya ka niyang i-energize kahit 24 hours, kahit minsan 28 hours pa," sagot ni Sam.
Ibinalik naman ni Sam ang parehong tanong kay Joyce, "What would you warn my next girlfriend about me?"
"Lady, if you're gonna be dating my ex, one thing that you'll now is that he is a wonderful person but he is also a guy. Medyo insensitive ng konti—hindi masyadong sensitive sa mga needs mo and wants mo. Kailangan mo talagang i-explain sa kanya," paliwanag ni Joyce.
Panoorin ang iba pang mga tanong nina Joyce at Sam para sa isa't isa sa 'moving on' feature ng Reel Time: