
Sa 'moving on' feature ng programang Reel Time, naimbitahan ang dating magkasintahan at kapwa radio DJs na sina Joyce Pring at Sam YG.
Hinirang na "ex goals" ang dalawa dahil nanatili silang magkaibigan kahit natapos na ang kanilang relasyon. Nagagawa pa nga nilang gawing biro ang kanilang past relationship.
Pero tulad ng ibang tao na naging broken-hearted after ng hiwalayan, hindi rin daw naging madali para sa kanila ang mag-move on.
"Pinaka mahirap na part sa pag-move on ay 'yung pag-accept na hindi ka lang nawalan ng partner, nawalan ka din ng kaibigan. Ako hanggang ngayon, 'yun pa rin 'yung nagsu-struggle ako kasi siyempre best friend ko 'yun eh," paliwanag ni Joyce.
Aminado naman si Sam na dumaan din sila sa mga awkward stage noon.
"We actually work in the same radio station. Magkasunod pa kami ng timeslot so nagkikita kami araw-araw. Awkward talaga. May time yata na hindi kami nagpapansinan. But yeah, na-overcome naman namin 'yun slowly," aniya.
Alamin ang iba pa nilang natutunan sa pagmo-move on mula sa isa't isa sa feature na ito ng Reel Time: