
Inamin ni Joyce Pring na ang manliligaw niyang si Juancho Triviño ang nagbigay inspirasyon sa kaniya upang mabuo ang bago niyang kantang “Baka Sakali.”
Joyce Pring launches her first single 'Baka Sakali'
“Sinulat ko yung kanta nung time na sinimulan niya akong guluhin.
“Ginugulo ako ni Juancho Triviño mga December.
“I kinda wrote this song because I came to the point na ayaw ko na talaga ng may manliligaw, but ayun na nga, eto na nga tayo, may Juancho na ngang nangugulo,” sabi ni Joyce sa panayam ng 24 Oras sa bonggang pag-release ng kaniyang kantang “Baka Sakali” noong Biyernes, May 3.
Kasabay ng launch ay ang pagsalubong ng 26th birthday ni Joyce, kaya isang sorpresa ang inihanda ng mga taong nagmamahal sa kaniya.
Binigyan siya ng mala-debut celebration with a twist kung saan may 10 candles at 10 roses.
Ang huling rose ay wala nang iba kundi si Juancho, na hindi nagpatalo dahil may mas malaking sorpresa siya kay Joyce.
Alamin sa buong chika ni Cata Tibayan:
LOOK: Juancho Trivino, seen-zoned noon ni Joyce Pring?