
Nagpakilig ang Kapuso hunk na si Juancho Trivino nang bumisita ito sa Kapuso ArtisTambayan dahil ang isa sa mga host nito ay ang nililigawan niyang si Joyce Pring.
May netizen na nagtanong kay Juancho kung sa tingin niya ay malapit niya nang makuha ang matamis na oo ni Joyce.
Ano kaya ang sagot ni Juancho?
Kinuwento rin nina Juancho at Joyce, o #Juanchoyce, ang first time nilang mag-meet.
Ni-reveal naman ni Joyce na napaiyak niya raw si Juancho noong sopresahin niya ito for Valentine's Day.
Ano naman kaya ang pet name o term of endearment nila sa isa't-isa?
Ayon kay Juancho, minsan na rin daw siyang ipinagmaneho ni Joyce nang magkasakit ito.
Panoorin pa ang ibang kilig moments nina Joyce at Juancho sa Kapuso ArtisTambayan video below.