
Hindi napigilang i-post ni Kapuso actor Juancho Trivino sa kaniyang instagram account ang nakakatuwang video kung saan caught on camera ang kaniyang reaksyon sa sorpresa sa kaniya ni Baby Liam habang pinapaliatan nila ito ng diaper.
Sa video, makikita na nagulat at napasigaw ang aktor sa biglaang pag 'number 2' ng anak. Agad namang lumapit ang kaniyang asawang si Joyce Pring kay Baby Liam na nagulat din sa sigaw ng aktor.
Kwento pa ni Juancho sa kaniyang post, “Dati naririnig ko lng ung mga stories katulad nito, pero kasalukuyan sanay na kami. Alam na namin pag tapos na siya.”
Gusto rin daw ipakita ni Daddy Juancho kay Baby Liam ang video na ito sa araw mismo ng kasal ng anak.
“Anak, 25-30 years from now, sa kasal mo, ipapakita ko talaga tong video na to. I love you my buddy Liam for life #ThreeBestFriends #Thetrivinos”
Nagkumento naman sa post na ito ang ilang mga kaibigan nina Juancho at Joyce na full-time parents din gaya nina Kapuso host Iya Vilania-Arellano at Kapuso hunk actor Rodjun Cruz.
Isinilang si Baby Alonso Eliam Triviño, nitong July 02, 2021 via normal delivery.