
Na-friendzone ka na ba? ‘Yung tipong may gusto ka sa isang tao pero kaibigan lang ang turing niya sa iyo? Pwes, may tips sa inyo si Kapuso hunk Juancho Trivino kung paano makaalis sa friendzone!
Kinakailangan daw ng lakas ng loob at kapal ng mukha para aminin ang nararamdaman para hindi ka ma-stuck sa friendzone, “Kapag hindi ka magte-take ng risk, wala kang pupuntahan [at] masta-stuck ka sa friendzone for life.”
Ipakita rin ang iyong best to win his/her heart, “Kailangan mo talaga mag-take ng risk, and make her feel that you want her. If she doesn’t want [you], and you’re not on the same page, then you can move on.”
Masakit malugmok sa friendzone kaya panoorin kung paano si Ernest makakaalis sa best friend-zone kay Happylou sa Inday Will Always Love You ngayong Lunes, May 21 na sa GMA Telebabad.