
Napapakilig tayo tuwing umaga ng Unang Hirit hosts na sina Joyce Pring at Juancho Triviño habang pinapanood ang kanilang love story on-screen.
At ngayon, mas pinagtibay ang #JuanChoyce tandem nang iparinig ni Joyce ang kaniyang bagong single na pinamagatang “Baka Sakali” na dedicated sa kaniyang manliligaw.
Saad ni Joyce, “I didn't want to get into a relationship, but then I met someone that was persistent and lagi niya akong kinukulit para ligawan at mamahalin daw ako.
“Nag-'Baka Sakali' lang ako sa pag-ibig ulit.”
Joyce Pring launches her first single 'Baka Sakali'
Inamin naman ni Juancho na masaya siya nang marinig ang single at natuwa na naging inspirasyon siya sa pagsulat ng lyrics ng kanta.
Aniya, “Masaya. Masayang masaya ako dahil she wrote the song [mga December] when I was starting to court her.
“Naiiyak ako that she did it because of me and I'm very thankful na kasama ko siya palagi.
“And you know, this song is a testament of how good we are together.
“I never gave up on love. Pero para sa akin this is the last chance.
“I don't want to mess it up anymore. Gusto ko siya lang talaga.”
Ano naman kaya ang official status ng dalawa?
Alamin sa buong ulat ni Luane Dy:
LOOK: Juancho Trivino, seen-zoned noon ni Joyce Pring?