What's Hot

WATCH: Judy Ann Santos, gustong sabunutan si Regine Velasquez?

By Catherine Doña
Published October 22, 2017 11:19 AM PHT
Updated October 22, 2017 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala, papalo rin sa Qatar Open main draw; ipinalit sa injured na si Kudermetova
Mount Oten draws hikers to Benguet ahead of Valentine’s Day
BTS unveils a new version of their light stick

Article Inside Page


Showbiz News



Gusto "sabunutan" ng aktres ang singer dahil sa angking husay na ipinamalas nito sa kanyang 30th anniversary concert kagabi, October 21.

Fan na fan si Judy Ann Santos ng nag-iisang singing diva na si Regine Velasquez. 

Sa katunayan, gusto niya itong "sabunutan" dahil sa angking husay na ipinamalas nito sa kanyang 30th anniversary concert na pinamagatang 'R3.0' kagabi, October 21 sa SM Mall of Asia Arena. 

Habang nanonood ng concert, ipinost ni Juday ang kanyang mensahe para kay Regine sa Instagram. 

Aniya, "Muntik na e.. muntik na kong nang agaw ng micropono kanina e! Iba ka @reginevalcasid! Sarap mong sabunutan sa husay e!"

Dagdag pa ng Kapamilya star, maraming mahusay na singer ngunit nag-iisa lang ang Asia's Songbird.

"Congratulations songbird! Maraming mahuhusay.. pero.. nag iisa ka."

 

Muntik na e.. muntik na kong nang agaw ng micropono kanina e! Iba ka @reginevalcasid ! Sarap mong sabunutan sa husay e! Congratulations songbird! Maraming mahuhusay.. pero.. nag iisa ka. ???? #R3.0

A post shared by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on