
Ibinahagi ni Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose na happily single muna siya ngayon.
Sa dami ng projects niya sa Kapuso network, wala raw muna siyang time magkaroon ng love life.
“Huwag po muna, okay na po muna ako ngayon.
“Love yourself,” sagot ni Julie sa tanong ni 24 Oras reporter Lhar Santiago.
Julie Anne San Jose shares most challenging songs for her solo concert “Julie Sings the Divas”
Maaalalang nabalita ang paghihiwalay ni Julie at ang dating kasintahan nito na si Benjamin Alves noong 2018.
Ngayon, busy si Julie sa pagperform sa weekly series na Studio 7 at Sunday PinaSaya, at naghahanda rin siya sa kaniyang one-night solo concert na Julie Sings the Divas sa The Theater at Solaire Resort and Casino sa darating na Sabado, July 20.
Ang one-night concert ay produced ng Sunny Side Up Productions at GMA Network, Inc.
Mabibili ang tickets sa www.ticketworld.com.ph.
Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:
IN PHOTOS: Julie Anne San Jose's “Julie Sings the Divas” blogcon
Julie Anne San Jose to showcase powerhouse vocals in 'Julie Sings the Divas' concert