GMA Logo Julie Anne San Jose
What's Hot

WATCH: Julie Anne San Jose tests her knowledge of local words

By Bong Godinez
Published September 17, 2021 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From DongYan to Carla Abellana, here are some 2026 celebrity predictions by a Feng Shui expert
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


Pasado naman kaya ang final score ni Julie Anne? Alamin.

Sumalang si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa guessing game na “Anong Sagot, Kapuso?” ng GMA Regional TV.

Ang challenge kay Julie Anne: Sagutin ang ibig sabihin ng ilang local words sa iba't ibang dialect katulad ng Bisaya, Ilocano, Bicolano, at Cebuano.

Bagama't nahirapan ay game na game naman na sinagot ni Julie Anne ang mga sagot ayon sa ulat ng 24 Oras.

In the end, ay tamang nahulaan ni Julie Anne ang siyam sa sampung tanong, bagay na labis na ikinatuwa ng talented singer.

Panoorin ang buong video ng masayang game dito:

Swak na swak naman ang concept ng laro dahil tampok ang iba't ibang lokasyon sa buong Pilipinas sa upcoming musical-documentary ni Julie Anne, ang Limitless, A Musical Trilogy.

Ang first part ng musical trilogy ay pinamagatang “Breathe” na kung saan ay mga lugar sa Mindanao ang dinayo ni Julie Anne at ng Limitless team.

Mapapanood online ang “Breathe” ngayong gabi (September 17), 8:00 p.m.

Wala pang ticket? Bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy para makabili ng tickets.

Ang presyo ng mga tickets ay: General Admission - PhP599; VIP - PhP1,199; Synergy Pass (GA) - PhP1,499; Synergy Pass (VIP) - PhP3,299.

Click here para malaman ang step-by-step process sa pagbili ng tickets para sa kapanapanabik na musical event na ito.

Sundan ang www.facebook.com/GMASynergy para sa iba pang detalye. Para sa iba pang updates, bisitahin ang www.GMAnetwork.com.

Panoorin ng buong trailer ng “Breathe” dito: