
Nag-propose na ang news reporter na si Mark Zambrano sa singer-actress na si Aicelle Santos. Naganap ang proposal sa Straight Up Roofdeck Bar, Seda Vertis North.
READ: Aicelle Santos and Mark Zambrano are engaged!
Inamin ni Mark na nagsimula siyang magplanong mag-propose after niyang malaman na magiging parte ng cast ng 'Miss Saigon' ang kanyang girlfriend. Gaganap si Aicelle bilang si Gigi, ang role na ginampanan din ni Rachelle Ann Go sa UK Tour ng 'Miss Saigon.'
Dahil magiging busy ngayong taon ang aktres, kailan kaya magpapakasal ang dalawa? Sagot ni Aicelle, "After po ng [Miss] Saigon, pagbalik. Okay na po, 'wag na natin patagalin pa."
Dagdag naman ni Mark, "Tentatively she'll be back mga March 2019. Ang working date namin will be around April 2019."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News