
Ang young stars ng hit GMA Telebabad series na Kambal, Karibal ang unang sasabak sa Lip Sync Battle Philippines sa pagbabalik nito para sa ikatlong season!
Handang-handa na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara at Jeric Gonzales na magdala ng kung ano-anong gimik para sa kanilang performances.
Dati nang sumali at nanalo sa nakaraang season sina Bianca at Miguel, pero ngayong magkalaban sila dahil boys versus girls ang naging hatian ng teams.
"Dapat kabahan sina Miguel at Jeric dahil ibang level 'to eh. Pinaghandaan namin 'tong dalawa ni B. Pinagpawisan namin. Dugo't pawis namin ang inilaan namin dito sa performance na 'to," pahayag ni Kyline.
Nag-promise naman sina Miguel at Jeric ng isang malaking performance.
"Sobrang laki nitong performance na ito. As in! Ito ang pinakamalaking performance na makikita niyo sa buong mundo ng Lip Sync Battle," pangako naman ni Miguel.
Panoorin ang kanilang buong pre-show interview dito.