What's Hot

WATCH: Kang Daniel at Thai boy group SBFive, dinagsa ng fans

By Cara Emmeline Garcia
Published October 21, 2019 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kang Daniel at Thai boy group SBFive in Manila


Gusto raw ng Thai boy group na SBFive na maka-collaborate si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sinalubong ng hiyawan sa SM Mall of Asia Arena ang Korean idol na si Kang Daniel para sa kanyang Color on Me fan meeting.

Bida niya sa GMANews, lagi raw siyang natutuwa tuwing bumibisita sa bansa para makilala at makita ang kanyang fans.

Sabi niya in Korean, “I'm very excited and very happy.

“From the moment I landed in the airport, I received a lot of welcome so it was a great memory.”

Hindi ito ang unang pagkakataon bumisita ang Wanna One member sa bansa, pero ito ang una niyang beses bumisita bilang isang solo artist.

Nagpakitang gilas si Kang Daniel sa pag-perform ng kanyang mga kanta at pagsasalita ng Tagalog na pumatok sa fans.

2019.10.19 KANG DANIEL FANMEETING : COLOR ON ME IN MANILA 마닐라 함께해줘서 고마워요 #강다니엘 #KANGDANIEL #colo_on_me #fanmeeting

A post shared by 강다니엘 Daniel K. (@daniel.k.here) on

SBFive Asia Tour

Maliban kay Kang, nag-perform rin sa bansa ang Thai boy group na binubuo nina Bas, Copter, Kimmon, Tae, at Tee o mas kilala bilang SBFive.

Hindi lang mga Pinoy, kundi pati fans galing Hong Kong at Italy ang dumagsa sa NAIA International Airport para salubungin ang boy group.

Ani Copter, “We feel so excited more than the first time because this time around we have prepared a special show.”

At kung may pagkakataon, gusto raw nilang magkipag-collaborate kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

“She's so beautiful and she looks confident when she's on stage,” paliwanag ni Tae.

Nag-perform ang grupo sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza kahapon, October 20.

Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan

IN PHOTOS: Pinoy celebrities na K-Pop at K-Drama fans