What's Hot

WATCH: Kanino gusto magpasampal ni Kyline Alcantara?

By Bea Rodriguez
Published September 1, 2018 10:00 AM PHT
Updated September 1, 2018 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Willing si Kyline Alcantara na makatrabaho at masampal pa ng mga beteranang aktres na ito. Sino kaya sila?

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) on

Ang “La Nueva Kontrabida” payag magpasampal?

Sa Give Me Five edition ng young Kapuso star na si Kyline Alcantara, ibinahagi ng Kapuso kontrabida ang kanyang “5 Dream Projects.”

Ang aktres na sumikat sa high-rating GMA Telebabad soap na Kambal, Karibal ay nais makasama sa isang proyekto ang mga beteranang kontrabida.

“Gusto ko pong makasama [sina] Miss Cherie Gil, Miss Gladys Reyes, Miss Maricel Soriano sa isang project or movie o masampal man lang nila dahil sila talaga 'yung nilu-look up ko ngayon dahil gusto ko nga maging kontrabida,” kuwento ng young actress sa video.

Siyempre, hindi nawala sa kanyang listahan ang tinataguriang Primera Kontrabida sa Philippine Showbiz. “Si Miss Bella Flores din pero nasa Heaven na siya.”

Ibinunyag rin ni Kyline ang dalawang dream projects na tutuparin na ng Kapuso network. Ano kaya mga iyon? Panoorin ang video na ito: