
Positive ang outlook ng ating Kapuso stars na sina Bianca Umali, Andrea Torres at Solenn Heussaff para sa bagong taon.
Positive ang outlook ng ating mga Kapuso stars para sa bagong taon at para makasama tayo sa kanilang good fortunes ay ibinahagi rin nila ang kanilang mottos in life.
“Always be positive,” ang parating sinasabi ni Alyas Robin Hood leading lady na si Andrea Torres. Ito ay para makapag-attract ng mabubuting bagay sa buhay.
Paliwanag niya sa Unang Hirit, “Feeling ko, kapag natutunan mong ma-master ‘yun, lahat ng bagay sa buhay mo [ay] magiging maganda [at] saka ayon sa gusto mo.”
“Just always do your best,” naman ang ginagawa ni upcoming Pinulot Ka Lang sa Lupa lead star na si Julie Anne San Jose. Kahit pa man tayo ay magkamali, “there’s always room for improvements” at kailangan lang nating tandaan na “[to] be a better person.”
“[Matuto] ka sa mga challenges,” ang bilin ni Encantadia star Solenn Heussaff para mas maging mabuting tao tayo habang tumatanda.
Huwag din nating kalimutan na gawin ang Diyos na sentro ng ating buhay dahil ayon kay Kapuso teen star Bianca Umali, “He has my back.”
Naging sandalan niya ang Panginoon sa tuwing hinahamon siya, “Actually, lately [ay] super-duper close kami ni Papa Jesus, as in tight kami. Talagang noong times na I needed him, he was really there, talagang naparamdam niya sa akin [at] kapag may mga kailangan ako, he always provides.”
Kaya mga Kapuso, tandaan lamang ang mga ito para magkaroon tayo ng masaya at masaganang bagong taon.
Video courtesy of GMA News
MORE ON CELEBRITY MOTTOS:
READ: Chynna Ortaleza’s motto: “Don’t make the same mistake again”
READ: Bettinna Carlos shared a positive thought to start the week