
Ipinakita ng mga Kapuso news anchors ang kanilang mga items na up for sale sa celebrity ukay-ukay sa Noel Bazaar this year!
For sale ang mga damit nina Mariz Umali, Pia Arcangel, at Ivan Mayrina.
Para kay Mariz, special ang mga damit niyang kasama sa bazaar dahil ito rin ang mga sinuot niya para sa Balitanghali Weekend.
Para naman sa petite at slim na office girls na gusto ng simply but classy dresses, marami silang mapagpipilian sa pre-loved clothes ni Pia.
May options din ang mga lalaki sa mga damit naman ni Ivan Mayrina.
Open na ang Noel Bazaar starting today hanggang November 30. Gaganapin ito sa World Trade Center.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: