
Bagong karangalan at pagkilala para sa Pilipinas ang handog ng iba't ibang programa ng Kapuso network sa 2019 US International Film and Video Festival.
Dalawang Gold Camera Award ang napanalunan ng The Atom Araullo Specials ng GMA News and Public Affairs.
Kabilang dito ang documentaries na “BabiesForSale.ph” at “No Leftovers” ng nasabing programa.
Iginawad naman ang ikatlong Gold Camera Statuette ng GMA sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie para sa episode na “Nadenggoy ng Dengvanxia?”
Pitong Kapuso programs naman ang nakukuha ng Silver Screen Statuette gaya ng late night news na Saksi para sa Typhoon Mangkhut coverage o Bagyong Ompong coverage.
Kabilang rin dito ang Debate 2019: The Senatorial Face-off, ang “Salay” episode ng Kapuso Mo Jessica Soho, at ang dokumentaryong “Ang Islang Walang Lupa” ni Howie Severino para sa I-Witness.
Nakatanggap ng Certificate for Creative Excellence ang Natonin Landslide coverage ng 24 Oras, ang “Nebulizer” episode ng Front Row, “Fearless” ng Reel Time, at ang GMA News and Public Affairs Eleksyon 2019 “Pusuan ang Totoo” advocacy campaign.
Sa entertainment category, ginawaran ng Certificate for Creative Excellence ang Kapuso Primetime hit na Onanay at ang cooking show na Idol sa Kusina.
Ang US International Film and Video Festival ay isang annual competition na kinikilala ang mga “outstanding corporate, education, entertainment, documentary, and student productions.”
Panoorin ang buong ulat ni Lei Alviz: