What's Hot

Kapuso stars, may payo para sa fur parents at kanilang pets ngayong ECQ

By Dianara Alegre
Published April 1, 2020 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Fur parents and pets in ECQ


Alamin ang tips ng ilang Kapuso stars sa pag-aalaga ng pets ngayong ECQ.

Ngayong sumasailalim ang Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ), marami ang sumusunod sa stay home policy ng gobyerno.

Dahil dito, maaaaring makaranas ng cabin fever o pagkabalisa at pagkabugnot ang isang tao na resulta ng matagal na pamamalagi nito sa loob ng bahay.

Pero hindi lang mga tao ang nakararanas ng cabin fever, dahil pati pets ay nabo-bore din. Likas silang masigla kaya marami silang pent-up energy.

Kaya payo ng ilang celebrities, gumawa ng activities para sa pets na makatutulong sa mga ito na magamit ang kanilang energy.

Kaugnay nito, nagbigay ng ilang tips si Descendants of the Sun star Jasmine Curtis-Smith sa fur-moms at fur-dads para mapanatiling healthy ang mga alagang aso at pusa.

Aniya, “Dahil din sa init ng panahon, minsan dito rin nagkakaroon ng mga sakit 'yung aso. Ayaw din naman natin magkaroon ng sakit ang ating mga aso kasi this would mean na kailangan natin lumabas, maghanap ng vet.

“I just make sure na mayroon lagi silang bowl of water na accessible for them sa loob ng bahay.”

May mariing paalala rin nina Love of my Life stars Tom Rodriguez at Carla Abellana tungkol sa pets na kaugnay ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Hindi pa man umano napatutunayan na puwedeng kapitan ng virus ang mga hayop, ay iniingatan na rin nila na huwag mahawa ang kanilang pets.

Anila, mabuting ingatan ang balahibo ng mga aso dahil tulad ng tao ay maaaring kumapit ang virus dito. Mainam din umano kung huwag na lang muna palabasin ang mga alaga.

“'Di naman puwedeng bawat labas, paliguan. 'Di naman sila puwedeng spray-an ng Lysol, siyempre. That would be dangerous for them din. So try to spend their energy indoors na lang,” payo ni Tom.

“Lahat naman tayo kahit papano, may space naman in our household para du'n na lang nila gawin. Kung wala mang outdoor area tulad ng garahe, backyard, or garden, puwede namang sa loob na lang ng bahay. Maglagay lang sila ng newspaper o kaya ng mga nabibili ngayong puppy pad,” sabi ni Carla.

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras:

Panatiling safe ang inyong mga sarili at pets, mga Kapuso!