
Kahanga-hanga talaga ang mga Kapuso actresses na sina Gabbi Garcia at Nova Villa, pati na si GMA News anchor na si Mariz Umali.
Sa kabila kasi ng kanilang mga busy schedules, 'di nila nalilimutan na magsilbi sa kanilang mga parokya.
Simula 2008, nagsisilbi bilang isang sacristan si Gabbi sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish Church sa Makati.
"'Yun 'yung way ko of remaining as Gabbi na hindi part ng showbiz. It's a vow to god," paliwanag ng Kapuso actress.
Bahagi naman ng Mother Butler Guild ang beteranang aktres na si Nova. Ang San Lorenzo Ruiz Parish sa Quezon City naman ang pinaglilingkuran niya.
"Kahit na anong hirap, marami kang isasakripisyo because kailangan ng oras," aniya.
Si Mariz naman ay isang lector sa Sacred Heart of Jesus Parish Shrine sa Quezon City. Seven years old pa lang siya ay naglilingkod na siya sa simbahan at minsan na ring naging miyembro ng church choir.
"Despite the busy schedule that I have at work, talagang I make sure to always include my service to the church," kuwento niya.
Panoorin ang kanilang pagbabahagi tungkol sa kanilang mga panata sa feature na ito mula sa Unang Balita.
Video from GMA News
MORE ON KAPUSO ADVOCACIES:
Miguel Tanfelix pays courtesy call on United Nations Population Fund country rep
WATCH: Kristoffer Martin at Joyce Ching, hinirang na ambassadors ng film advocacy