
Kanya-kanyang Christmas shopping tipid tips ang ibinigay ng ilang Kapuso celebrities sa mga mamimili ngayong Pasko.
Para kay Kapuso leading lady Heart Evangelista, magandang iregalo ang mga kandila at kahit anong puwedeng gamitin sa bahay.
“Candles will always be a good idea, anything for the home. At the end of the day, no matter how busy we are, umuuwi tayo at gusto natin komportable 'yung bahay natin,” ani Heart.
Pumupunta naman sa Divisoria sina Kapuso heartthrob Ruru Madrid at ang kaniyang mga magulang para makatipid.
“Nagpupunta kami ng mom and dad ko ng Divisoria para lang makatipid talaga kasi sobrang dami naming nireregaluhan every holiday season,” saad ni Ruru.
Inamin naman ni Kara Mia star Paul Salas na nagre-recycle siya ng mga regalong maliit sa kaniya.
Aniya, “May binigay sa akin, t-shirt, 'pag mas smaller sa akin na hindi talaga kasya, ibibigay ko pero igi-gift ko na lang siya sa mga relative ko.”
Alamin ang iba pang Kapuso Christmas shopping tipid tips sa video na ito:
Video courtesy of GMA News