
Halos lahat na yata ng pinaka maningning na bituin ng Kapuso network ay dumalo sa 68th anniversary party na GMA na ginawa sa Manila Polo Club nito lang Biyernes, July 6.
IN PHOTOS: What happened at the GMA Network's anniversary and thanksgiving party
Isa sa mga pakulo na talaga namang ikinatuwa ng lahat ng dumalo ay ang star-studded na "Hep Hep Hooray" game ng Wowowin. Pinangunahan ito nina Kapuso TV hosts at comedians Willie Revillame, Donita Nose at Tekla.
20 Kapuso stars ang sumabak sa palaro ni Kuya Wil upang manalo ng PHP 100,000.00. Ilan sa mga game at naging palaban ay sina Alden Richards, Barbie Forteza, Jak Roberto, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Rhian Ramos, Andre Paras, Kyline Alcantara, Lovely Abella, Betong Sumaya, Chris Tiu, Arny Ross, Kim Domingo, Aiai Delas Alas, Joyce Ching, Rodfil Obeso, Tom Rodriguez, Michelle Dee, Taki at Kim Last.
Napuno ng tawanan, kulitan, kasiyahan at mataas na energy ang GMA anniversary at thanksgiving party nang dahil sa segment na ito.
Ilang beses ipinagtanggol ni Donita si Pambansang Bae habang hiningan naman ng host ng dagdag na energy si Chris. Sa huli, si Joyce ang nagwagi at umuwi ng papremyo ni Kuya Wil.