
Saya at inspirasyon ang hatid ng ilang Kapuso actors at TV personalities sa iba't ibang events na ginanap sa Visayas at Mindanao.
Isa na rito ang jampacked mall show ng Kapuso primetime series na Kara Mia sa Tagum City, Davao del Norte.
Dito, naghatid ng saya sina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz na nagkaroon ng back-to-back duet bilang sina Kara at Mia.
Kasama rin nila ang kanilang leading men na sina Jak Roberto at Paul Salas.
Panoorin ang iba't iba pang Kapuso mall shows na dinayo ng fans sa ulat ni Aubrey Carampel.