What's Hot

WATCH: Kasal ng ilang Kapuso stars, nilipat dahil sa pagputok ng Bulkang Taal

By Marah Ruiz
Published January 23, 2020 7:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd promotes 16k public school teachers under expanded career progression system
Cases vs. Sarah Discaya, others transferred to Lapu-Lapu City
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Tagaytay as a wedding destination


Naghanap ng bagong venue sina Joyce Pring at Juancho Trivino, pati na sina Sheena Halili at Jeron Manzanero para sa kani-kanilang mga kasal.

Sa Tagaytay sana nakatakda ang kasal ng Kapuso couple na sina Joyce Pring at Juancho Trivino pero kinailangan nilang ilipat ito dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

For better or worse: A couple pushed through with their wedding despite the Taal Volcano eruption

"Gusto naming maging sensitive sa people of the affected areas rin. Kahit na i-push through namin 'yung wedding doon sa area, hindi rin naman parang okay," pahayag ni Juancho.

Buti na lang din, marami daw tumulong sa kanila para maghanap ng bagong location.

"Maraming tumulong naman po sa amin makakuha ng venue. Hindi siya masyadong mahirap. Mas malapit naman talaga para sa mga guests," aniya.

Apektado rin ang nakatakdang kasal ni Sheena Halili at kanyang non-showbiz fiance na si Jeron Manzanero. Sa Tagaytay din kasi sila dapat ikakasal.

WATCH: Tourists caught Taal Volcano unrest while hiking at the crater

"Ang inisip din namin, 'yung safety noong magiging bisita namin, family namin and siyempre para wala na rin akong iisipin na kung ano pang mangyayari.

"May ilang araw na pina-process ko rin sa utak kokung kailangan talaga namin siyang i-move dahil siyempre mas importante sa amin na matuloy ang kasal at safe ang guests namin," ani Sheena.

"Dito na lang sa Manila instead of an out-of-town wedding or destination wedding," dagdag naman ni Jeron.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: