What's Hot

WATCH: Kate Valdez, may pasilip sa kaniyang 18th birthday

By Bianca Geli
Published June 27, 2018 10:15 AM PHT
Updated June 27, 2018 10:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos joins Muslims in observing Al Isra Wal Mi’raj
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News



Here's a sneak peek at the pre-debut photo shoot of Kate Valdez in Batangas.

Magdiriwang na ng kaniyang 18th birthday ang Kapuso actress na si Kate Valdez at ang pasilip sa pre-debut photo shoot niya, ibinahagi sa 24 Oras.

By the pool and by the seashore ang peg ni Kate para sa kaniyang photo shoot. Mala-sea princess ang ganda ni Kate sa shoot na naganap sa Laiya, Batangas.

Ayon kay Kate, “First time kong mag-shoot ng ganito sa dagat at dun sa pool. Nakaka-excite at nakaka-cool down siya.” Sa August 21 magdiriwang ng kaniyang 18th birthday si Kate. Balak daw niya na gawing simple ang kaniyang celebrasyon kasama ang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan sa showbiz.

Imbitado ang mga naging co-stars ni Kate sa Encantadia gaya nina Mikee Quintos, Arra San Agustin at Klea Pineda.

“Iisang table lang kami. Maraming kuwentuhan, and catch up sa mga friends lalo na sa family. Matagal ko na rin silang hindi nabibisita.”

Bukod sa pagiging abala sa kaniyang debut, abala rin si Kate sa taping ng upcoming teleserye na Onanay kasama si Mikee Quintos, Jo Berry at mga premyadong aktres na sina Nora Aunor at Cherie Gil.

Challenging daw para kay Kate ang magiging role bilang bratinela na anak ni Cherie. Aniya, “Hindi mawawala ‘yung kaba, ‘yung pressure pero ‘pag nasa set na kami tapos may konting kuwentuhan bago mag-take, kaya nakakawala rin kahit papaano ng pressure."

Panoorin ang full report: 

Video courtesy of GMA News