
Isang indie film ang pinaghahandaan ngayon ni Kapuso actress Katrina Halili.
Salungat sa kanyang mga kontrabida roles, gaganap siya rito bilang isang probinsiyanang rape victim na hindi ma-i-express ang kanyang sarili.
"Dito sobrang kawawa--wala kang self confidence, mahiyain ka," kuwento niya tungkol sa kanyang role sa upcoming film na Mga Anak ng Kamote.
Ayon kay Katrina, ito raw ang isa sa kanyang mga pangarap na roles.
"Alam mo, dream role ko 'to eh. Sabi ko, maganda siguro magkaroon ng movie na 'yung wala kang lines. Mata mata lang," aniya.
Pero aminado siya na hindi ito madali.
"Akala ko madali, mata mata. Medyo mahirap din 'yung walang lines pala. Wala kang sinasabi tapos lahat sa utak lang. Kailangan mapakita mong natatakot ka, galit ka," paliwanag ng aktres.
Panoorin ang buong panayam ni Nelson Canlas kay Katrina sa 24 Oras: