
Pinatunayan ng first Pinay Victoria Secret model na si Kelsey Merritt na hindi lang catwalk ang kanyang kayang i-conquer kundi pati na rin ang pag-akyat ng puno.
Sa isang Instagram post, makikitang umaakyat si Kelsey sa isang coconut tree nang walang kahirap-hirap in white bikini.
Sulat ng model, “Someone had to get the coconuts since @conorjdwyer wanted one.”
Pinuri naman ng ilang celebs at fellow models si Kelsey at ang kanyang tree-climbing skills.
Nasa bansa ngayon si Kelsey para magbakasyon kasama ang kanyang boyfriend na isang US Olympic swimmer.
LOOK: Kelsey Merritt jets to El Nido for dreamy getaway
Panuorin ang buong chika ni Iya Villania:
LOOK: Kelsey Merritt devours Filipino street food first thing back in Manila