
Pumukaw sa puso ng bawat Pilipino ang tambalang Rita Daniela at Ken Chan, o mas kilala bilang #RitKen, nang gumanap ang dalawa sa hit GMA Afternoon Prime soap na My Special Tatay.
Nasundan pa ito ng ilang proyekto kabilang na ang GMA Telebabad na One of The Baes.
Dahil sa pagiging close nila sa isa't isa, aminado si Ken na muntik na raw siyang ma-in love sa kanyang co-star noon ngunit siya mismo ang pumigil sa kanyang sarili.
“Alam kong malaki 'yung possibility na pwede kang ma-in love.
“Ako, aaminin ko, hindi mahirap mahalin si Rita,” sambit nito kay 24 Oras reporter Lhar Santiago.
Hirit naman ni Rita, “Parang, if hahaluan namin 'yun ng something, na hindi naman nasa plano ni God, mag-iiba at mag-iiba siya.”
Ken Chan visits Rita Daniela at the hospital
Masaya ang dalawa dahil sa mataas na ratings at mga reaksyon na natatanggap ng soap mula sa manonood.
Mas patuloy raw na magiging nakakatuwa ang rom-com soap lalo na't nililigawan na ng karakter ni EA Guzman si Jowalyn (Rita Daniela).
“Nakakaloka talaga ang mga lalaki, 'di ba?
“Kung kailan may papasok na iba tapos dun magpapa-cute.
“Samantalang dati, nagpapapansin na nga nang bongga si Jowalyn hindi pa rin siya pinapansin ni Grant,” pabirong reklamo ni Rita.
Ang sagot ni Ken? Alamin sa chika ni Lhar Santiago:
Patuloy na panoorin ang One of The Baes sa GMA Telebabad pagkatapos ng The Gift.
Ang manliligaw ni Jowa | Ep. 29
'One of the Baes' topples competition, records highest ratings to date