
Marami ang dumalo at nagpakita ng suporta sa premiere night ng big screen debut ng This Time I’ll Be Sweeter stars Ken Chan at Barbie Forteza.
Opening day kahapon (November 8) ng kanilang pinagbibidahang romantic-drama at nagpapasalamat ang KenBie sa ipinapakitang suporta ng kanilang mga tagahanga.
“Very thankful kami sa lahat ng sumusuporta ng This Time I’ll Be Sweeter,” saad ni Barbie sa panayam ni Lhar Santiago sa Unang Hirit.
Pagkatapos ng successful run ng kanilang hit at kilig primetime soap na Meant To Be, nasundan kaagad ang tambalan ng pelikula.
Hindi sanay si Ken, “Nakakakaba, but at the same time po kasi ‘yung mga fans po ay talagang, parang araw-araw po yata ginagawa kaming trending sa social media.”
Ayon pa sa aktor, ang pelikula ay para daw talaga sa fans na walang sawang nagbibigay suporta sa kanilang tambalan ng aktres.