
Taos-pusong nagpapalasamat sina My Special Tatay star Ken Chan at The Clash champion Golden Cañedo para sa mga magagandang nangyari sa kanila noong 2018.
Ang kantang "Thanks to You" ang maglalarawan sa nakaraang taon ni Ken dahil sa sunud-sunod na biyaya na dumating sa kanya.
“Nagpapasalamat ako sa biyaya na natanggap ko this 2018, sa My Special Tatay, sa Walk of Fame, sa mga sumusuporta sa akin, kay Lord, sa pamilya ko, sa GMA,” saad ni Ken.
"Salamat" naman ni Yeng Constantino ang gustong iparating ni Golden sa lahat ng naniwala sa kanya ngayong taon.
Ayon sa kanya, nagpapasalamat siya sa lahat ng biyayang dumating sa kanyang buhay noong 2018.
May kanya-kanyang kanta rin para sa 2018 sina Anthony Rosaldo, Garrett Bolden at Psalms David.
Alamin kung anu-ano ang mga ito sa report ng Balitanghali: