
Sa nalalapit na pagtatapos ng One of the Baes, napa-reminisce at ikinuwento ng lead stars ng show na sina Ken Chat at Rita Daniela ang mga mami-miss nila sa kanilang show.
Ayon kay Ken, “Ang pinakamami-miss ko sa One of the Baes, is 'yung mga taong nakatrabaho ko, mula sa actors, sa lahat ng cast, and 'yung mga staff, mami-miss ko silang lahat.
“Kalahating taon din kaming nagsama-sama simula noong premiere ng One of the Baes, para kaming pamilya.
"Looking forward akong magtrabaho, never akong nawalan ng gana dahil ang sarap magtrabaho at ang sarap nilang katrabaho, ang gaan-gaan.”
Dagdag pa niya, “Mami-miss ko rin 'yung mga locations. Napamahal ako sa mga locations namin, dito sa Mariveles, Bataan at 'yung MAAP kung saan kami nag-aral, dahil meron kaming mga totoong estudyante na gustong maging marino.
"Ang dami naming natutunan sa kanila. Nakita namin 'yung paghihirap nila matupad lang mga pangarap nila. Nakita namin kung paano 'yung trainings nila.”
Napalapit na rin daw sa puso ni Ken ang naging fans ng tambalang JoWant (Jowa and Grant).
“Mami-miss ko 'yung supporters ng JoWant. Mami-miss ko 'yung 'pag tumitingin ako sa social media, nakikita ko 'yung supporters ng One of the Baes.”
Para naman kay Rita, naging magandang opportunity ang One of the Baes para mas mahasa ang karanasan niya bilang aktres.
“Mami-miss ko 'yung samahan at 'yung pa-boodle fight. Towards the end of the show, palagi kaming nagbu-boodle fight so para kaming kumakain na pamilya na sabay-sabay.
“Kung meron akong pinakamahirap na show na ginawa, siguro ito na 'yun. Kasi na-challenge talaga ako physically at emotionally kasi 'yun 'yung hinihingi ng character kong si Jowalyn. Marami kami laging activities. Kahit na mahirap siya, mami-miss ko 'yun."
Ano ang masasabi nina Rita Daniela at Ken Chan sa nalalapit na finale ng 'One of the Baes?'
Nagpasalamat din ang dalawa sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa top-rating GMA Telebabad drama.
“Gusto ko lang po i-take itong opportunity na ito para magpasalamat sa lahat ng mga nagmahal at sumusuporta sa show namin. Maraming salamat mga Kapuso. May dalawang linggo pa para sa inyo, sana suportahan ninyo,” saad ni Ken.
Panoorin ang behind-the-scenes moments nina Ken at Rita sa One of the Baes:
Patuloy na panoorin ang nalalapit na pagtatapos ng One of the Baes, tuwing 9:30 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.