
"Ganoon pala 'yung feeling 'noh? Parang nakakatakot na hindi," 'yan ang kuwento ni Rita Daniela sa blogger na si MADZ Latest pagkatapos kunan ang bed scene nila ni Ken Chan sa My Special Tatay.
Kahit first time itong gawin ni Ken, kailangan pa rin niyang mag-focus sa eksena at hindi mag-break ng karakter.
Aniya, "Kinakabahan din ako and siyempre iniisip ko 'yung si Boyet. Wala akong maisip kung hindi si Boyet, kung paano siya uminit, hindi si Ken Chan."
Panoorin ang behind-the-scenes ng bed scene nina Ken at Rita sa video ni MADZ Latest below:
Muling balikan ang eksena na ito sa My Special Tatay:
Malaki ang magbabago sa buhay nina Boyet at Aubrey sa kanilang ginawa dahil magbubunga ito sa isang anak. Handa na kaya si Boyet na tanggapin ang responsibilidad ng pagiging isang My Special Tatay?