
Kahit nagbabakasyon, tila hindi pa rin maalis ni Ken Chan ang kanyang pagyakap at pagganap sa kanyang My Special Tatay character na si Boyet. Sa katunayan, isang video kuha sa sa Taal ang hinahangaan ngayon ng netizens dahil sa kanyang acting.
Ibinahagi ni Ken ang kanyang video na kuha sa bulkang Taal. Aniya, nawawala raw siya at hinahanap ang kanyang Nanay Isay at Tatay Edgar.
“Mag-isa lang ako ngayon eh. 'Di ko alam kung paano ako napunta dito sa bibig ng bulkan. Nawawala na ako. Sabi ni Tatay isasakay niya ako sa eroplano eh. 'Di ko alam kung paano ako napunta dito sa bibig ng bulkang Taal,” sambit ng aktor bilang si Boyet.
“Nanay, paging mo ako. Paging mo ako, nanay ah. Maghihintay ako dito. Sunduin niyo na ako. Nawawala na ako eh,” panawagan niya.
Ikinatuwa at pinuri naman ng netizens ang acting na ginawa ni Ken.