Isang makulit na food trip ang mapapanood sa Taste Buddies dahil makakasama nina Solenn Heussaff at Rhian Ramos ang Meant To Be boys na sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Jak Roberto at Addy Raj.
Ipinasilip ni Solenn sa kanyang social media account ang sexy dance nina Ken, Ivan, Jak, at Addy sa kanilang dalawa ni Rhian habang kumakanta ng "Twinkle, Twinkle Little Star."
Aniya, "Abangan sa Taste Buddies soon!! Meant to be.... #ILoveMyJobTalaga"
Ilang netizens naman ang naaliw sa mga boys at sa reaction nina Solenn at Rhian.
Abangan ang episode na ito soon on Taste Buddies.
MORE ON 'TASTE BUDDIES' AND 'MEANT TO BE':
SNEAK PEEK: Explore authentic Pinoy dishes in 'Taste Buddies' with Rafael Rosell
'Meant To Be' tops Twitter trends on its pilot episode