
Sentimental ang mood ni Kapuso actor Ken Chan habang bumabyahe at nakikinig pa ng romantic music.
"Ang sarap mag-road trip kapag ganito—'yung may kasama ka, kuwentuhan kayong dalawa," sambit ni Ken sa isang maikling video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.
Pero nasira ang moment nang biglang narinig ang direksiyon na ibinibigay ng navigation app na Waze.
Bawi naman kaagad ang aktor at humirit na lang ng isang hugot line.
"Tignan mo, si Waze ang kasama ko. Siya lang lagi 'yung kasama [ko]. Buti pa si Waze, kinakausap ako," biro nito.
Naghahanda na ang aktor para sa pelikulang pagbibidahan nila ng kanyang former Meant To Be co-star na si Barbie Forteza. Pinamagatan itong This Time I'll Be Sweeter at makakasama pa nila dito ang isang Kapuso actress na si Kim Rodriguez.