What's Hot

WATCH: Ken Chan, nagpasalamat sa kanyang mga nanay-nanayan sa showbiz

By Cara Emmeline Garcia
Published May 9, 2019 10:35 AM PHT
Updated May 9, 2019 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras: (Part 3) Insidente ng ligaw na bala; New Year babies; performances sa Kapuso Countdown to 2026, atbp.
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Ken Chan, itinutiring ikalawang ina sina Manilyn Reynes at Lilet Jodloman-Esteban, na nakatrabaho niya sa 'Destiny Rose' at 'My Special Tatay.'

Sa mundo ng showbiz at mahabang taping days, may nabubuong samahan sa ating mga iniidolong artista.

Ken Chan
Ken Chan

At para sa ilang celebrities, masuwerte silang magkaroon ng maaring matuturing na ikalawang ina sa showbiz.

Isa na dito si Kapuso star Ken Chan na nagsabing dalawa ang nanay-nanayan niya sa harap at likod ng camera.

Ito ay sina Manilyn Reynes na gumanap sa Destiny Rose at si Lilet Jodloman-Esteban na gumanap naman sa My Special Tatay.

“Una, si Nanay Manilyn Reynes kasi naging nanay ko siya sa Destiny Rose and after that project parang naging super close kami at nagme-message sila minsan ni mama.

“'Yung ganung feeling na naging close kami sa isa't isa.”

Minsan lang to! hehe With "The Triplets" Ang gaganda pa din nila 😊 Guys abangan niyo sila sa #MeantToBe 😉

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on

“And of course, si Nanay Lilet. Dahil naging nanay ko siya sa My Special Tatay, siya mismo nagsabi sa akin na para mo na akong nanay.

“Ang sarap sa pakiramdam na may mga nanay-nanayan ako tulad nila.”

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on

Panuorin ang buong video sa ulat ni Luane Dy: