What's Hot

WATCH: Kilalanin ang batang kumakanta na tampok sa panibagong viral video

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 21, 2017 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan siya sa future projects ng Kapuso network.  

May kumakalat ngayong viral videos ng isang batang lalaki na kumakanta sa karaoke ng mga birit songs na "One Moment in Time" at "I Surrender." Ayon sa uploader na si Albert Giliw, nakilala lang nila ang bata nang mag-outing sila sa Montalban, Rizal.

"Habang nagna-night swimming kami sa Montalban at nagkakantahan na, may lumapit na bata [at sinabing] "Pwede po ba makikanta, [kahit] isa lang?" 

Syempre sabi namin "Sige, kahit dalawa pa." Nagulat kami sa in-enter niyang kanta [na] "One Moment In Time" at "I Surrender." Matataas na kanta 'yung pinili niya and na-amaze kami nang kumanta siya. Grabe, sobrang galing."

Panoorin ang videos na ito below:

 

As of writing, umabot na ng 1M ang combined views ng dalawang videos at mahigit na 10,000 shares. Ang batang napapanood sa video ay walang iba kung hindi si John Kenneth Giducos, isang bagong Kapuso talent na unang nakilala nang sumali ito sa Eat Bulaga.

 

Congratulations to #JohnKennethGiducos who today just signed up with #GmaArtistCenter He is with talent manager Tracy Garcia. Kenneth wowed Kapuso viewers as a #LolasPlaylist contestant on #EatBulaga. The 11 year-old adorable singer and viral sensation was featured in #KapusoMoJessicaSoho #ArtistCenter #GmaArtistCenter

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Dumaan si John Kenneth sa opisina ng GMA Artist Center at nagpa-sample ng kaniyang kahanga-hangang boses.

 

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on