
Ipinaliwanag nina Sunshine Dizon at Mike Tan ang katangian ng mga gagampanan nilang karakter sa Wagas: Throwback Pag-ibig.
"Gagampanan ko po rito si July," saad ni Sunshine.
"The story starts na seemingly perfect, happy family pero may isang delubyo na dumating sa pamilya nila--she lost her child, nawala si Smile," dagdag niya.
Si Mike naman ang gaganap na Ryan, ang asawa ni July.
"Sobra yung pagmamahal niya sa anak niya," paglalarawan ni Mike.
"Kaya 'yung nawala 'yung anak niya, hindi niya kinaya, nakipaghiwalay siya kay July."
Bukod kina Sunshine at Mike, kasama rin sa Wagas: Throwback Pag-ibig sina Leanne Bautista, Lovely Abella, Mailes Kanapi, at Iyah Mina.
Alamin kung sinu-sinong karakter ang kanilang gagampanan sa video na ito: