
Hindi dapat palampasin ng mga kids ang bagong kuwento ni Lola Goreng this Sunday night sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
Matutunghayan ninyo ang kuwento ni Gelay, ang batang ayaw sa gulay. Puno ng aral ang magical story natin at mapapanood ninyo ang mga veteran stars tulad nina Neil Ryan Sese at Frances Zonita.
Mapapabilib din kayo sa husay ng mga child stars na sina Princess Aguilar, at Phoebe Gweneth Yap na tampok sa episode.
Heto ang paunang silip sa istorya na inspired ng paborito ninyo Filipino children song na Bahay Kubo.