
May bagong superhero na idadagdag sa Marvel comic universe, at siya ay isang Pinay!
Noong March 9, ibinahagi ng comic book writer at filmmaker na si Greg Pak ang disenyo ng pinakabagong Marvel Superhero na pinangalanang Wave.
Makikitang ginto at berde ang kulay ng suot ni Wave na may hawak pang sandata na hango sa mga gamit ng mga sinaunang Pilipino.
As announced at @sxsw, I'm thrilled to share the great @leinilyu's stunning design of WAVE, Marvel's new Filipino superhero! Gorgeous colors by @sunnygho! She'll appear for the first time in WAR OF THE REALMS: NEW AGENTS OF ATLAS #1 in May, with art by Gang-Hyuk Lim! pic.twitter.com/cZhwXbQ1FG
-- Greg Pak (@gregpak) March 9, 2019
Ang co-creator sa paggawa ni Wave ay ang Pinoy comic book designer na si Leinil Yu na tubong Cebu.
Ayon kay Leinil, si Wave daw ay isang Cebuana na magaling sa agham at teknolohiya.
Lalabas sa unang pagkakataon ang Filipina Marvel Superhero sa May 1 sa comic book na pinamagatang War of the Realms: New Agents of Atlas.
Kilalanin si Leinil at ang inspirasyon niya sa paggawa kay Wave sa chika ni Nelson Canlas: