GMA Logo
What's on TV

WATCH: Kilalanin sina Ginalyn, Caitlyn, Amy, at Sussie ng 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'

By Felix Ilaya
Published January 27, 2020 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News



Are you Team Waray or Team Biday?

Tunghayan ang kuwento ng pamilya at pagkakaibigan sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Sa side ng Waray, nariyan sina Amy at Ginalyn Malatamban na bibigyang buhay nina Snooky Serna at Barbie Forteza.

Salat man sila sa karangyaan, sobra-sobra naman ang pagmamahal nila para sa isa't isa. Namumuhay sila sa pamamagitan ng pagbebenta ng binagol, minsan din ay suma-sideline si Ginalyn bilang isang tour guide.

Sina Sussie at Caitlyn Agpangan naman, played by Dina Bonnevie and Kate Valdez, ang mga Waray.

Close na close ang mag-ina at supportive si Sussie sa anak niyang si Caitlyn na isang aspiring vlogger. Ang ayaw lang ni Sussie ay ang pagkakaibigan ni Caitlyn sa Waray na si Ginalyn.

Pagbubuklorin ng kapalaran sina Ginalyn at Caitlyn at agad silang magiging mag-best friends. Lingid sa kaalaman nilang dalawa ay mortal na magkaaway pala ang kanilang mga inang sina Amy at Sussie.

Ano kaya ang pinagmulan ng away nina Amy at Sussie? Matutulad kaya sina Ginalyn at Caitlyn sa kanilang mga ina?

Abangan 'yan sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ngayong Lunes, January 27, pagkatapos ng 24 Oras.

Panoorin ang series primer ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa video below: